Sa ikalawang sunod na pagkakataon muling nanguna sa listahan ng pinaka-mayamang opisyal ng gobyerno ang ilang cabinet members na dati ng napabilang sa listahan.
Batay sa inilabas na kopya ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) noong 2018, 15 mula sa 24 na miyembro ng gabinete ang mas yumaman sa pagitan ng isang taon.
Nangunguna pa rin sa listahan si Public Works Sec. Mark Villar na may P1.408-bilyon na net worth.
Nanatili rin sa ikalawang pwesto si Energy Sec. Alfonso Cusi na may pinaka-malaking increase sa kanyang yaman.
Mula sa P1.356-bilyon net worth noong 2017, umakyat pa ito sa P1.385-bilyon.
Nakapagtala rin ng malaking increase sa kanilang ari-arian sina Finance Sec. Carlos Dominguez III na may P366-milyon; Transportation Sec. Arthur Tugade na may P306-milyon; Communications Sec. Martin Andanar na may P160-milyon; at NEDA Sec. Ernesto Pernia na may P1140-milyon net worth.
Malaki rin ang nadagdag sa yaman nina Presidential Spokesperson Salvador Panelo (72.9-milyon), Executive Sec. Salvador Medialdea (P54.56-milyon), at Agriculture Sec. Manny Piñol (P28.53-milyon).
Pareho rin ang estado ng yaman nina National Securit Adviser Hermogenes Esperon Jr. (P25-milyon), Labor Sec. Silvestre Bello (P16.38-bilyon), Presidential Legislative Liaison chief Adelino Sitoy (P10-milyon), Education Sec. Leonor Briones (P9-milyon), Defense Sec. Delfin Lorenzana (P8-milyon) at DICT Acting Sec. Eliseo Rio Jr. (P7.95-milyon).
Samantala, pinaka-mababang yaman naman ang naitala mula highest paid cabinet member na si DOST Sec. Fortunato dela Peña na may P5-milyon.
Malaki naman ang nakaltas mula kina Trade Sec. Ramon Lopez (P48.8-milyon) at Health Sec. Francisco Duque III (P120.08-milyon).
Habang hindi pa inilalabas ang SALN documents ng ilan pang gabinete na sina Agrarian Refom Sec. John Castriciones, Budget officer in charge Janet Abuel, Environemnt Sec. Roy Cimatu, Interior Sec. Eduardo Año, Justice Sec. Menardo Guevarra, HUDCC chief Eduardo del Rosario, CHED chair Prospero de Vera at MMDA chair Danilo Lim.