Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa flag raising ceremony ng ahensiya nitong nakalipas na Lunes.
Ayon sa kalihim, magiging epektibo ang kaniyang resignation sa Oktubre 6.
Hindi naman nito idinetalye ang dahilan ng kaniyang pagbaba sa puwesto na mahigit limang taon niyang hinawakan.
Isa siya sa mga kalihim na todo ang pagmamalaki ng Pangulong Rodrido Duterte.
Magugunitang isa si Villar sa pinangalanan na senatorial candidate para sa 2022 election ng PDP-Laban Cusi faction.
Samantala, si Mindanao dev’t authority chairman Manny Pinol ay nag-resign na rin at balak ding tumakbo sa pagkasenador.
Sinasabing tatakbo siya sa tambalang Lacson-Sotto matapos na hindi maisama sa line-up ng administration party.
“I had to admit during my short meeting with the staff that it took me a long time to decide to vie for a Senate seat as I found the job I had with MinDA as very challenging and the staff I was working with very efficient,” ani Piñol sa kanyang FB post. “In the end, however, I said that I had to stand up and save Philippine Agriculture and Fisheries from the Anti-Agriculture Policies and Legislations pushed by Neo-Liberal Economists who are more enamored with positive inflation numbers than seeing Fillipinos in the countryside enjoy a better and happy life.”
Sa kabilang dako sinabi naman ng PDP-Laban na posibleng magbago na sa mga balakin sina Transportation Sec. Arthur Tugade at Labor Sec. Silvestre Bello III kung tutuloy pa sa pagtakbo sa pagka-senador.
Inamin ng party president na si Sec. Alfonso Cusi na tila magbabago ang desisyon sina Tugade at Bello.
Batay kasi sa kondisyones ng dalawang kalihim, tutuloy lamang sila sa pagtakbo sa pagkasenador ay kung kakandidato rin sa pagka-bise presidente ang Pangulong Duterte.