DAVAO CITY – Siniguro ng DPWH XI na matutuloy pa rin ang konstruksyon ng Davao-Samal Connector Bridge sa kabila ng pagsuspende ng naturang proyekto sa ngayon.
Sa pakikipanayam ng Bombo Radyo Davao sa tagapagsalita ng DPWH XI Dean Ortiz nilinaw nito na ang pagkakasunpende ng proyekto ay dahil sa problema ng road right of way sa parte ng Davao City at hindi dahil sa isinampang termporary restraining order ng pamilya Rodriguez sa korte suprema.
Nilinaw din ni Ortiz na sa kabila ng isinampang TRO wala nang nakikitang ano mang prblema sa parte ng Islang Garden City of Samal dahil nagkaroon na umano ng writ of possession ang DPWH para sa konstruksiyon ng naturang tulay.
Dagdag pa ni Ortiz na sa kabila ng naturang mga pangyayari hindi maapketuhan ang proyeko na posibling mauumpisahan na ang pagtrabaho nito sa buwan ng Hulyo ngayong taon.
Sa ngayon nagpapatuloy pa rin umano ang mga pag-aaral para sa karagdagang disenyo mula sa central office ng DPWH.