-- Advertisements --

Sinimulan na ng Department fo Public Works and Highways (DPWH) ngayong araw, Pebrero 26, ang rehabilitasyon sa Roxas Boulevard southbound lane.

Ang naturang proyekto ay magtatagal ng siyam na buwan kung saan pangunahing tututukan ang mga sira-sirang kalsada sa pagitan ng Quirino at Vito Cruz.

Para ma-minimize ang pagka-antala sa daloy ng trapiko, nagdesisyon ang ahensiya na isasara lamang ang isa linya sa takdang oras habang pananatilihing bukas ang iba pang linya para sa mga dadaang sasakyan.

Hinihikayat naman ng DPWH ag mga motorista na gumamit muna ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang labis na traffic congestion sa mga oras na isinasagawa ang rehabilitasyon.

Batay sa schedule, inaasahang makukumpleto ang rehab project pagsapit ng November 17 at agad din itong bubuksan sa traipko oras na matapos ang buong proyekto.

Tinatayang aabot sa 180,000 sasakyan ang dumadaan sa Roxas Blvd araw-araw, at isa ito sa mga pangunahing kalsadang ginagamit ng mga motorista sa Metro Manila.