Sisimulan na ng Department of Public Works ang Highways ang konstruksyon sa mg malalaking water impounding project sa taong 2024.
Ito ay bahagi ng tugon ng naturang ahensiya sa patuloy na lumalalang tagtuyot na nararanasan ng buong bansa kung saan kasalukuyang nananalasa ang isang large scale El Nino.
Ayon kay Sec. Manuel Bonuan, mayroon nang go-signal dito si PBBM, kasama na ang pag-sang ayon ng DA at NIA, upang masimulan na kaagad sa susunod na taon ang konstruksyon sa mga ito.
Kabilang sa mga itatayong water reservior ay ang mga dam, Small Water Impounding Project(SWIP), at iba malalaking water source projects sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Mayroon na aniyang mga partikular na lugar na pagtatayuan sa mga naturang proyekto, batay na rin sa rekomendasyon ng iba pang ahensiya ng pamahalan.
Kabilang sa mga konsiderasyon dito ay ang mga lugar na pagtatayuan, supply ng tubig, mga residenteng makikinabang, at ang ambag nito sa agrikultura ng bansa.
Bagaman nakatutok ang DPWH sa konstruksyon ng mga ito, kasama ang maintenance sa structural integrity, sinabi ni Bonoan na makakatulong din ang mga naturang proyekto upang matugunan ang food security dito sa bansa.