Target ngayon ng Department of Public Works and Highways na masimulan ang Bicol River Basin Development Project sa unang bahagi ng taong 2026.
Layon ng proyektong ito na mabawasan ang mga pagbaha sa rehiyon tuwing may mga malalakas na pag-ulan dahil sa kalamidad.
Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, bago paman tumama ang bagyong Kristine sa bansa ay ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasagawa ng mga kaukulang plano para sa mga kailugan sa bansa.
Paliwanag ni Nepomuceno na kabilang sa bubuuhing plano ay ang mga kailugan sa Bicol Region partikular na ang Bicol River Basin.
Batay sa datos , aabot sa labing walo ang mga pangunahing ilog sa buong bansa.
Layon ng proyektong ito na mabawasan ng pagbaha at mailayo sa panganib ang mga residente na nakatira malapit sa mga ilog.