Naka-standby na ang Quick Response Assets(QRA) ng Department of Public Works and Highways(DPWH) sa posibleng epekto ng bagyong Kristine sa mga lansangan at iba pang pampublikong istraktura sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Batay sa opisyal na report ng DPWH, nakahanda ang kabuuang 2,875 na iba’t-ibang kagamitan nito kabilang na ang mga heavy equipment na maaaring ideploy anumang oras.
Maliban sa mga kagamitan, nakahanda rin ang kabuuang 6,690 manpower na maaaring ideploy sa mga apektadong lugar.
Ayon sa DPWH, ang mga ito ay naka-preposisyon sa sa iba’t-ibang mga lugar tulad ng Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol Region, Eastern Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao.
Ang mga naturang lugar ay ang inaasahang labis na maaapektuhan sa pananalasa ng naturang bagyo.
Hanggang kaninang alas-12 ng tanghali(Oct 22), lahat ng mga national road at mga tulay na dumadaan sa mga pambansang lansangan ay passable sa lahat ng uri ng mga sasakyan.
Tiniyak naman ng ahensiya ang patuloy na monitoring sa kalagayan ng mga ito, kasabay ng nagpapatuloy na banta ng bagyong Kristine. (Report by Bombo John)