Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kaya nitong matapos ang konstruksyon ng Tarrag-Caramuangen Road sa Ilocos Norte ngayong taon.
Minamadali na ng kagawaran ang proyekto na pinaglaanan naman ng P96.49 million para maisagawa ang mithiing 3.77 kilometer na kalsada sa naturang lugar.
Ang tourism road project ay pinondohan mula sa kanilang 2024 national budget na nakalaan sa pagpapaunlad ng transportasyon, ekonomiya at maging ang kalidad ng pamumuhay sa komunidad.
Ayon kay DPWH Region 1 Director Ronnel M. Tan, kasama rito ang pagpapagawa din ng isang 15-meter bridge sa Barangay Tarrag at Barangay Dampig na layuning mapalakad at mapanitili ang kaligtasan ng mga turista at residente roon.
Sa kasalukuyan, iniulat ng kagawaran na 56 pursyento ng kumpleto at inaasahang kakayanin na makukumpleto ito pagdating ng second quarter ngayong 2025.