Tiniyak ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na mayruon na silang nakahanda na flood control masterplan para sa lahat ng 18 major river basin sa buong bansa.
Ito’y matapos kwestyunin ang DPWH kung nasaan ang nasabing masterplan dahil sa nangyaring pagbaha sa Metro Manila bunsod ng pananalasa ng Bagyong Carina at habagat.
Sinabi ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na kabilang sa master plan ang Pasig-Marikina flood control management system.
Kasalukuyan na aniyang ina-update ang master plan para mas gawin pa itong komprehensibo.
Inatasan din ni Pangulong Bongbong Marcos ang DPWH na ikonsidera rin na ipunin ang mga tubig na magmumula sa water shed areas.
Isa ito sa nakikita nilang solusyon para mapabagal ang pagdaloy ng tubig-baha pababa sa mga low lying areas.
Iniahayag ni Bonoan nasa 656 na flood control projects na ang nakumpleto sa Metro Manila.