CAGAYAN DE ORO CITY – Nabunutan ng tinik ang kampo ni Carmen Punong Brgy Rainer Joaquin ‘Kikang’ Uy na iniimbestigahan ng Commission on Election -Law Department dahil sa umano’y paglabag ng ilang probisyon ng Omnibus Election Code ng bansa.
Kasunod ito ng pagbawi muna ng ahensiya ng petition for disqualification case laban sa opisyal na tumakbo bilang kinatawan ng unang distrito ng Cagayan de Oro sa 2025 elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag sa abogado ni Uy na si Atty Angie Carrasco-Geñoso na nagkita lang umano ito na walang matibay na basehan ang akusasyon ng ahensiya.
Una na kasing umatras ang Comelec- Law Department na nasa likod ng motu propio case laban sa opisyal dahil nais nila rebyohin ang kanilang mga dokumento at mga ebedensiya patungkol sa isyu.
Pinagbigyan naman ito ng 2nd Division ng Comelec kaya pansamantalang wala na munang kaso na kinaharap si Uy.
Nag-ugat ang motu propio case ng Comelec laban sa opisyal dahil inaakusahan na gumawa ng walang basehan na issuance ng barangay resident certificate para makapasok ang flying voters sa kanilang barangay para magamit sa eleksyon sa susunod na taon.