Mayroon pang mahabang prosesong kakaharapin ang disqualification case ni Senator Ferdinand Bongbong Marcos.
Ayon kay election lawyer Emil Marañon na kahit n mayroon ng resolution ang second division ng Commission on Election (COMELEC) ay mahaba pa rin ang proseso nito.
Simula pa lamang aniya ito ng pakikipaglaban ng dating senador at hindi na ito ang katapusan.
Nauna rito ibinasura ng second division ng Comelec ay nagsasabing nagsinungaling umano si Marcos Jr sa kaniyang aplikasyon ng Certificate of Candidacy ng punan niya ng “no” ang tanong kung ito ay na-convict na sa anumang krimen na nagdadala sa kaiyang acessory penalty ng pepetual disqualification mula sa public office.
Sinabi naman ni Atty. Theodore Te ang abogado ng civic leaders na naghain ng petisyon para makansela ang COC ng dating senador na nagsabing nagkaroon siya ng false representation.
Magugunitang mayroong limang indibidwal ang naghain ng disqualification kay Marcos na kinabibilangan nina Danila Lihaylihay, Buenafe et. al, Ilagan, et al, Tiburcio Marcos, Akbayan, Mangelen et. al, at ang Pudno nga Ilokano.