Inanunsiyo na ni Dr. Anthony Fauci ang kaniyang pagbaba sa puwesto buwan ng Disyembre.
Si Fauci na naging US National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID) at chief meidcal adviser ni US President Joe Biden ay nag-anunsiyo ng kaniyang pagbaba sa puwesto matapos ang 50 taon na panunungkulan sa gobyerno.
Ang 81-anyos na si Fauci ay naging NIAD director mula pa noogn 1984.
Noong 2020 ay siya ang humaharap sa US kung paano malabanan ang COVID-19.
Paglilinaw nito na kahit na bababa ito sa puwesto ay hindi nangangahulugan na ito ay tuluyang magreretiro.
Mayroon pa siyang lakas at hilig sa kaniyang trabaho.
Ilang pangulo na rin ng US ang kaniyang napagsilbihan mula kay US President Ronald Reagan.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay inanunsiyo niya ang pagreretiro kapag natapos na ang termino ni Biden subalit ngayon ay napaaga.