Pinasalamatan ni Dr. Ma. Natividad “Naty” Castro sa mga suporta ng publiko at mga sumusuporta sa kaniya.
Kasunod ito sa pagkakaaresto sa kaniya dahil sa alegasyon na miyembro siya ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Sa video message ni dating Supreme Court spokesman Theodeore Te na sinabi nitong nasa Bayugan City, Agusan del Sur Police station siya matapos na maaresto ng kapulisan at Armed Forces of the Philippines.
Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni presiding judge Fernando Fudalan ng Regional Trial Court Branch 7 ng Bayugan City, Agusan del Sur.
Makikita sa video na pinasalamatan ni Castro ang mga naging kaklase niya sa University of the Philippines at St. Scholastica College ganun din sa kaniyang mga abogado.
Ayon sa PNP na mahaharap si Castro sa kidnappin at serious illegal detention.
Sinabi naman ng Commission on Human Rights (CHR) na nabiktima lamang si Castro sa red-tagging dahil sa kaniyang trabaho.