Nilinaw naman ni National Institute of Allergy and Infectious Disease director Dr. Anthony Fauci na wala siyang balak na iwan ang kaniyang papel sa gobyerno sa ilalim ng papasok na Biden administration.
Aniya, mananatili siya hanggang matapos ang inagurasyon ni US President-elect Joe Biden.
Sinabi nito na napakahalaga ng kaniyang trabaho at matagal na niya itong ginagawa kahit anim na pangulo na ang dumaan sa Amerika.
Ang kaniyang layunin umano ay pangangalagaan ang kalusugan ng mga Amerikano kahit sino pa ang manalo bilang presidente.
“Welcome” naman kay Biden na mananatili si Fauci sa kaniyang tungkulin lalo pa’t lumalala ang coronavirus pandemic sa kanilang bansa.
Nauna nang nagplano ang incoming 46th President na magtatag ng coronavirus task force sa kanilang