-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkabahala si Dr. Anthony Fauci, infectious disease leader ng Estados Unidos, dahil sa pagsuway ng iba’t ibang estado sa inilabas na guidelines ng American government kung kailan at papaano muling bubuksan ang kanilang ekonomiya.

Sa pagharap nito sa video conference ng Republican-led committee ng US Senate, sinabi ni Fauci na hindi kakayanin ng Senado na kontrolin kung sakali na mag-trigger ng panibagong outbreak ang pagbalewala ng mga estado sa mga patakaran.

“There is a real risk that you will trigger an outbreak that you might not be able to control, which, in fact, paradoxically, will set you back, not only leading to some suffering and death that could be avoided, but could even set you back on the road to trying to get economic recovery,” ani Fauci.

Nagbigay din ito ng update sa mga mambabatas hinggil sa development ng vaccine konta COVID-19 kung saan nagltaga ito ng timeline para makumpleto ang development ng mga gamot.

Aniya mayroong walong vaccines ang nasa iba’t ibang lebel na ng development.

“On January 10, the sequence was known … On 14 January, we officially started the vaccine development. Sixty-two days later, we are in clinical trial with the two doses fully enrolled,” wika nito.

Gayunman ay nagbabala pa rin ito sa posibilidad ng negatibong epekto ng mga naturang gamot dahil maaari raw na mas palalain pa nito ang impkesyon.

“If we are successful, we hope to know that in the late fall and early winter,”