LEGAZPI CITY – Nag-apela sa pamahaan si Dr. Tony Leachon, isang health reform advocate na bigyang pansin at konsiderasyon ang mga health workers sa gitna ng patuloy na pagtaas g COVID-19 infections.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Leachon, sumulat ito kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maging boses ng mga pagod ng health workers dahil hindi umano nakikita ng pamahalaan ang tunay na kalagayan ng mga ito sa mga ospital.
Hiling ni Leachon na itaas pa sa Alert Level 4 ang Metro Manila sa loob ng dalawang linggo upang makapagpahingi rin ang mga health workers.
Dahil kahit hindi pa aniya, puno ang healthcare utilization, subalit pago na ang mga health workers dahil sa grabeng trabaho, tiyak na babagsak ang manpower sa mga ospital.
Ayon kay Leachon, ninipis ang quality of service at productivity ng mga doktor at nurse kung pipiliting magdoble kayod lalo pang marami na sa mga ito ang nagkakasakit.
Inihirit din na magkaroon ng independent health advocate na tututok sa kalagayan ng mga ospital na nakahiwalay sa IATF dahil isa itong multi-agency.
Kabilang pa sa ipinanawagan ni Leachon ay ang pagbibigay ng insentibo sa mga health workers na tinawag nitong ‘overworked, underpaid at underappreciated’.