BUTUAN CITY – Naglabas ng bagong warrant of arrest si Judge Ferdinand Villanueva ng Bayugan City, Agusan del Sur Regional Trial Court (RTC) Branch 7, laban kay Dr. Maria Natividad Castro para sa kasong kidnapping at serious illegal detention, ang kagayang kaso na isinampa laban sa kanya ngunit ibinasura.
Nitong Hunyo a-16, nag-isyu ng e-warrant laban sa doktor na isinama sa indictment kungsaan base sa mga court records, hindi umano napa-ilalim sa trial si Dr. Castro kung kaya’t hindi maa-apply ang double jeopardy.
Dagdag pa ng korte, mas mabuting mao-abot sa korte ang mga claims ni Castro sa pamamagitan ng full-blown trial.
Matatandaang unang nahuli ang 53-anyos ng si Castro sa San Juan City nitong Pebrero a-18 base sa inilabas na legitimate at judicial court warrant.
Pinalaya siya pagkalipas ng 42 mga araw nang magdesisyon si Bayugan RTC Acting Presiding Judge Fernando Fudalan Jr. na pumalpak ang mga prosecutors pag-isyu ng subpoena para sa preliminary investigation ng kanyang kaso na paglabag sa karapatan ng doktor sa due process at lumabas pa sa preliminary investigation na hindi siya kasali sa original complaint.
Habang ang mga kaso naman laban sa mga kasamahan niyang akusado na sina Manuel Anob alias Masayod/Salem, Toto Anob alias Dongkot at Imelda Rambuyod alias Aloy/Sandara, ay ni-retain.
Una nang inihayag ng reklamanteng si Bernabe Salahay na kasama si Castro sa mga dumukot sa kanya noong Disyembre a-19, 2018 at personal pa umano niya itong nakita na ginagamit ang mga sugatang rebeldeng NPA.
Dagdag pa ni Salahay, pinalaya siya at ang kanyang kasamahang si AJ Reginal noong Pebrero a-18, 2019 sa Sitio Kaunlaran, Barangay Tagbongabong sa bayan ng Remedios Trinidad Romualdez, Agusan del Norte.
Napa-alamang sina Salahay at Reginal ay kasama sa iilang Citizen Armed Force Geographical Active Auxiliary members na dinukot ng NPA upang makumbinsi ang pamahalaan naipagpatuloy ang peace talks.
Sa pagbuhay ng nasabing kaso, pina-aalahanan ng korte ang depensa na iwasan ang pang-iinsulto sa prosekusyon.