ILOILO CITY – Pormal nang pinasinayaan ang Plazuela Tres sa Pavia, Iloilo.
Ito ay pinangunahan ng Chairman ng Florete Group of Companies na si Dr. Rogelio M. Florete at President/CEO ng Bombo Radyo Philippines at President ng Queenbank na si Ms. Margaret Ruth Florete.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Dr. Florete na ang Plazuela Tres ay nagsimula sa isang panaginip.
Ang Plazuela Tres Pavia ay ikatlo sa mga Plazuela de Iloilo mall chain na para lang sana sa relocation site ng Florete owned Rural Bank of Pavia.
Ngunit noong nakaraang taon nang binisita ni Dr. Florete at maybahay nito na si Mrs. Imelda C. Florete ang bakanteng lupa sa likod ng Sta. Monica Parish Church na pagmamay-ari ng Archdiocese of Jaro.
Matapos ang ginawang pag uusap sa pamamagitan ni Rev. Msgr. Maurilio Silva, dating kura paroko ng Sta Monica Parish kay Archbishop Angel Lagdameo, pinayagan ang pagpapatayo ng establisyemento.
Sa halip na magpatayo ng bangko, iminungkahi ni Ms. Florete na magpatayo ng commercial complex.
Kaagad naman sinang-ayunan ni Dr. Florete ang pagpapatayo ng nasabing proyekto kung saan nakita nito ang paglago ng negosyo sa bayan ng Pavia na maituturing sleeping giant.
Ang Plazuela Tres ay idinisenyo ni Arch. Charles Alianan kung saan inaasahan ito na magiging family friendly at community oriented mall kagaya ng Plazuela Uno at Dos.
Ang blessing ay isinabay sa pista ng Our Lady of the Miraculous Medal kung saan pinangunahan ito ni Msgr. Silva na ngayon ay kura paroko na ng St. Anne Parish sa Molo, Iloilo City.
Si Msgr. Silva naman ang nagmungkahi na lagyan ng mga red clay bricks ang mga haligi nga Plazuela Tres upang maging kagaya ng disenyo ng Sta. Monica Parish.