-- Advertisements --
Iloilo festivals
Iloilo Festival Foundation

ILOILO CITY – Nanumpa na ang mga bagong set of officers ng Iloilo Festivals Foundation Inc. na siyang mangangasiwa sa Dinagyang Festival 2020 at iba pang pagdiriwang sa lungsod ng Iloilo.

Ang oath taking ceremony ay pinangunahan ng Iloilo Festivals Foundation Inc. chairman na si Rito Carlos Peña, Vice Chairman naman si Dr. Felipe Uygongco.

Nanumpa rin bilang President si Atty. Jobert Peñaflorida, Vice President si Dr. Ronald Sebastian, Treasurer si Dr. Roland Uy habang Corp. Secretary naman si Angel De Leon Jr.

Pinangunhan ni Dr. Rogelio M. Florete Sr., chairman ng Florete Group of Companies ang panunumpa bilang miyembro ng Board na siya ring chairman ng Media and Publicity Committee kasama sina John Alexander Que, Allan Ryan Tan, Philip Chua, Honorato Espinosa, Ivy Gurrea, Jose V. Layson at Luis Tinsay.

Pagkatapos ng oath taking ceremony kaagad itong sinundan ng isang press conference na isinagawa sa isang hotel sa lungsod ng Iloilo.