-- Advertisements --
Mas maiging hintayin na lamang daw kung magkakaroon ng anunsiyo ang mga kinauukulan kaugnay ng napabalitang line up ng gabinete ng papasok na administrasyon.
Tugon ito ni infectious disease expert Dr. Edcel Salvaña kasunod ng kumalat sa social media na kung saan, kasama ang kanyang pangalan sa umano’y magiging gabinete ni presumptive President Bongbong Marcos bilang Health secretary.
Ayon kay Salvaña, no comment na lang siya at mas maiging magpokus na lang sa ngayon sa COVID-19 prevention and control lalot bahagi siya ng technical advisory group ng DOH.
Antayin na lang daw na gumana ang official channels kung meron man pero para sa kanya, tutok na lang siya ngayon sa kanyang trabaho habang nagbabantay sila sa posibleng pagtaas ng kaso.