TUGUEGARAO CITY-Pinapapalitan ng National Anti-Poverty Commission ang draft ng Implementing Rules and Regulation ng Universal Health Care Law na inilabas ng Philippine Health Insurance Corporation(Philhealth).
Sa naging panayam kay Amy decena ng NAPC, madami umano ang hindi sumasang-ayon sa draft ng IRR ng universal philhealth for Persons with Disability(PWDs), tulad ng paggamit ng online registration para sa pagpili ng mga kukuning benipisaryo.
Ayon kay Decena, paano na lamang ang mga miyembro ng PWDs na nasa liblib na mga lugar at hindi magawang mag-online registration .
Aniya, dapat ay ma-enjoy ng lahat ng mga benipisaryong PWDs ang nasabing batas dahil ito ay nakalaan para sa kanila.
Kauganay nito, sinabi ni Decena na magkakaroon din umano ng konsultasyon sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) dahil ang mga nasabing ahensiya ang magbibigay ng ID para sa mga pasadong beneficiaries.
Sinabi ni Decena na kailangan ay may certified ang mga doktor lalo na ang mga magiging benipisaryo na nagkaroon ng sakit na dahilan ng kanilang kapansanan.
Hindi umano lahat ng mga nagkaroon ng sakit tulad ng nabulag dahil sa diabeties ay hindi na kayang buhayin ang sarili.
Dahil dito, nabigyan umano ng 15 araw ang Philhealth para palitan ang nasabing IRR bago ito isapinal.