Binuweltahan pa ng drag performer na si Pura Luka Vega ang korte dahil sa paggigipt sa mga minorities na gumagawa lamang ng kakaibang kasanayan.
Sa pagsisimula ng pagdinig sa kaso nito sa Quezon City Hall of Justice nitong Setyembre 8, iginiit nito na hindi krimen ang Drag.
Ang pagsampa umano ng kaso laban sa kaniya ay nagpapakita lamang ng pagiging hipokrito at nagtuturo lamang kung paano maging mainis.
Umaasa ito na sa pagharap niya sa kaso ay mapanatili ang freedom of expression sa lahat.
Magugunitang sinampahan ito ng reklamo sa korte ng Christian churches sa ilalim ng Philippines for Jesus Movement dahil sa ginawang pagbibiro sa “Ama Namin” o The Lord’s Prayer sa kaniyang drag performance.
Iginiit ng grupo na ang ginawa ni Luka Vega ay isang paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code in relation sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Nagpasalamat naman si Luka Vega sa ilang abogado na tumulong sa kaniya sa nasabing kaso.
Magugunitang bukod sa nasabing kaso ay idineklara siya bilang persona non grata ng ilang mga local government units kabilang ang Cebu City, Floridablanca, Pampanga, General Santos City, Toboso, Negros Occidental; Bukidnon; Dinagat Islands; lungsod ng Maynila; Nueva Ecija; Laguna; Occidental Mindoro; Lucena City at Bohol.