-- Advertisements --
Inamin ni Sen. Imee Marcos na hindi nila inaasahan ang lawak ng epekto sa pinanggalingan nitong probinsya ng Ilocos Norte, kaugnay ng bagyong Ineng at hanging habagat.
Ayon kay Marcos, kailangan nang baguhin ang drainage system sa mismong syudad ng Laoag at mga pangunahing lugar sa kanilang lalawigan.
Makikipagtulungan umano siya sa anak na si Gov. Matthew Marcos Manotoc, para sa implimentasyon ng mga kinakailangang hakbang, lalo’t dati siyang nanungkulan bilang gobernadora ng nasabing probinsya.
Matapos ang bagyong Ineng, inaasahang maaapektuhan uli ng bagong sama ng panahon ang Northern Luzon sa mga susunod na araw.