-- Advertisements --

Nakiisa sa saya na nararamdaman ng Canada ang Canadian rapper na si Drake kasabay ng kauna-unahang kampeonato ng Toronto Raptors sa katatapos lamang na Game 6 ng NBA Finals na ginanap sa Oracle Arena.

Nanood ang tinaguriang “global ambassador” ng koponan sa labas ng Scotiabank Arena kasama ang milyon-milyong fans ng basketball team.

Proud na proud itong iwinagayway ang watawat ng Canada habang tumalon-talon sa sobrang saya nang marinig ang final buzzer na naging hudyat ng pagsungkit ng Raptors sa korona ng Golden State Warriors bilang kampeon.

Kasabay nito ay inanunsiyo ni Drake na maglalabas siya ng dalawang bagong kanta bilang selebrasyon sa kauna-unahang pagkapanalo ng kanyang paboritong koponan.

Pinamagatang “Omerta” at “Money In The Grave” ang mga kantang inaasahan na maririnig bukas. Tampok din sa album art ng mga awiting ito ang Larry O’Brien trophy.

https://www.instagram.com/p/ByrWjudlQOn/

Matagumpay na tinapos ng Raptors ang Game 6 ng Best-of-Seven game series kontra sa defending champion na Golden State Warriors sa score na 114-110.