-- Advertisements --
Umaasa ang Asian Development Bank (ADB) na magkakaroon daw ng “dramatic recovery” ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na taon.
Gayunman, bago mangyari ito sasadsad pa umano ang paghina ng ekonomiya na aabot sa 7.3 percent ngayong taon.
Nakadagdag sa paglamya ng ekonomiya ay ang paghina ng private consumption, gayunman din ang investments at ang matinding epekto ng pandemya sa buong mundo.
Ayon naman sa ADB makakatulong daw sa pagbangon ng bansa ay ang pagpapatupad ng tinatawag na mga government stimulus measures at ang unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.
Tinatayang aangat daw sa taong 2021 ang ekonomiya ng Pilipinas sa 6.5 percent.