ZAMBOANGUITA, NEGROS ORIENTAL – Dead-on-the spot ang isang drayber habang sugatan naman ang backrider nito matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa likurang bahagi ng nakaparadang truck na may karga ng tubo.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay PCapt Andrew Anque, Officer-in-charge ng Zamboanguita Police station, sinabi nitong nangyari insidente kahapon ng madaling araw, Marso 7, sa Brgy. Basak bayan ng Zamboanguita Negros Oriental.
Kinilala ang 27 anyos na drayber na si Junrey Badlaan, habang ang backrider ay kinilalang si Nimrod Sarita, 43 anyos.
Sinabi pa ni Anque na posibleng hindi naka parada ng maayos ang naturang naturang truck kaya nangyari ang aksidente ngunit batay naman sa mga nakasaksi ay naka-hazard naman at nakailaw umano ang headlights nito.
Ayon pa, ipinarada lang sana ng isang kinilalang Joseph Danag ang truck na minamaneho nito upang suriin ang gulong kung kulang sa hangim.
Nang bumalik na umano ito sa loob ng truck ay bigla nalang itong nakarinig ng kalabog kaya dahil sa takoy ay bigla itong napatalon palabas ng sasakyan dahil sa pag-aakalang napagtripan ng masasamang tao.
Natuklasan nalang nitong nakahandusay na sa may kalsada si Sarita habang sumalpok si Badlaan sa likurang bahagi ng sasakyan kasama ang motorsiklo nito.
Nilinaw naman nito na hindi naman lasing ang mga biktima at sa katunayan pa ay galing pa umano ang mga ito na nagkape at posibleng masyadong malakas lang talaga ang pagpapatakbo ng motorsiklo kaya nangyari ang aksidente.
Dahil sa natamong pinsala sa katawan ng biktima ay binawian ng buhay ang drayber ng motorsiklo habang nasa stable na kalagayan na ang backrider nito.
Payo pa nito sa mga motorista na mag-doble ingat, magdasal at ikondisyon ang katawan bago bumiyahe.