VIGAN CITY – Patay ang isang lalaki at sugatan ang 10 katao na lulan ng isang pick up truck matapos itong mahulog sa bangin na may labing limang metro ang lalim sa Sitio Malanas, Poblacion, Malibcong, Abra.
Nakilala ang dead on the spot na biktima na si Erwin Quising, 43-anyos, drayber ng nasabing sasakyan.
Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, tinatahak ng mga biktima ang pababang daan nang mawalan ito ng kontrol sa manibela na kanyang minamaneho at rason ng kanilang pagkakahulog sa bangin.
Ayon pa kay P/Lt. Raquel Alonzo ng Abra Police Provincial Office, apat sa mga nasugatan ang nananatili pa rin sa ospital habang ang mga anim umano ay nakalabas na.
Pinaniniwalaan ding accident prone area ang bahagi ng daan na kung saan nangyari ang insidente kaya naman nagpaalala ang mga otoridad sa mga motorista na mag ingat sa pagmaneho.