-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ng natagpuan ng mga personahe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang drayber ng nahulog na trak sa lumang tulay ng Kitaotao Bukidnon.

Matapos ang dalawang araw na paghahanap, bangkay nang nakita ng mga rescuers si
Cerilo Aligada.

Unang lumabas ang report tumakas ang driver ng trak matapos mahulog ang kanyang menaneho na truck sa Pulangi River.

Naging pahirapan din ang pag-retrieve ng 150 sakong bigas mula sa trailer truck.

Napag-alaman na pumutok ang brake system ng sasakyan habang binabaybay ang tulay dahilan ng aksidente.