BUTUAN CITY – Kumitil sa buhay ng isang drayber sa pampasaherong multicab ang naganap na aksidente bandang alas 7:10 kagabii sa may Barangay Sumilihon, nitong lungsod ng Butuan.
Nakilala ang nasabing biktima na si Arnulfo Delicano, 65-anyos, may-asawa na taga Barangay Marcos, Magallanes, Agusan Del Norte.
Base sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Butuan, pauwi na sana ang biktima sakay sa pampasaheroang multicab na R-2 nang bumagga ito sa payloader na pagmamay-ari ng isang pribadong kompanya na minamaneho ni Johnny Felias, 54-anyos, may-asawa na taga Purok-8, Barangay Kinabjangan, Agusan Del Norte.
Saysay pa ni Johnny Felias, nakahinto na siya at nakasignal pakaliwa patungo sa bodega kungsaan ipaparada ang sasakyan nang biglang may bumangga sa likod ng payloader.
Sa kaniyang pagbaba dito na nakita ang multicab na napinsala ang unahang bahagi kungsaan naipit ang drayber.