-- Advertisements --

Nabigyan na ng clearance na makapaglaro muli si Golden State Warriors forward Draymond Green.

Ito ay matapos na sumailalim siya sa COVID-19 protocol mula pa noong Disyembre 26.

Dahil sa nasabing pagpasok niya sa protocol ay hindi na siya nakasama ng koponan ng 2 laro.

Posibleng makasama na sa laro ng Warriors si Green sa laban nila ng Miami Heat.