Nadagdagan pa ang kamalasang natatanggap ng Golden State Warriors matapos magtamo rin ng injury sa kanyang kaliwang hintuturo si forward Draymond Green.
Nakuha ni Green ang injury sa pagkatalo ng Warriors sa kamay ng San Antonio Spurs, 127-110.
Ayon sa koponan, na-sprain daw ang left index finger ni Green at inaalam pa nila kung kailangan nitong sumailalim sa MRI.
“I hurt my finger,” wika ni Green. “Ligament action. But it is what it is. … I don’t know [about Saturday]; we’ll see. It’s pretty sore. I couldn’t grip the ball the whole entire [game], probably since the second quarter, which is why I was making a lot of one-handed, right-handed passes and dribbling left with my right hand. I couldn’t really grip the ball, so we’ll see. Hopefully it will calm down a little bit overnight, but who knows?”
Ang injury na ito ni Green ay dalawang araw lamang matapos magtamo naman ng injury si Warriors guard Stephen Curry.
Sa anunsyo ng team, aabutin umano ng nasa tatlong buwan ang posibleng pahinga ni Curry makaraang sumailalim ito sa surgery.