DAGUPAN CITY – Panaginip na natupad kung ituring ng pamilya ng isang engineering graduate mula sa lungsod ng Dagupan ang pagkakapasa at pagiging topnotcher nito sa katatapos lamang na August 2019 Mining Engineer Licensure Examination.
Una rito, nakuha ni Ferrer ang 91.20% na score dahilan upang manguna ang kanyang pangalan sa 375 na bilang ng board passers.
Personal namang nakapanayam ng Bombo Radyo Dagupan ang ama ni Rachelle na si Mariano Ferrer at kanyang ibinahagi ang tuwang nararamdaman ng kanilang pamilya hanggang sa kasalukuyan.
Ayon kay Mariano, bagama’t may tiwala naman ito sa kanyang anak, hindi umano niya sukat akalain na makukuha nito ang unang puwesto.
Paliwanag pa ng kanyang ama, madalas na lumapit sa kanya si Rachel upang sabihin ang mga problemang may kinalaman sa kanyang pag aaral.
Ayon pa kay Ginoong Ferrer, bata pa lamang umano ang kanyang anak ay pangarap na nitong maging kalihim ng Department of Environment and Natural Resources kung kaya’t pagtungtong ng kolehiyo ay kumuha ito ng kursong Mining Engineering sa University of the Philippines Diliman.
Sa ngayon, hindi pa umano alam ng ama ni Rachel kung ano ang sunod na gagawin ng kanyang anak matapos ang pagkakapasa nito sa naturang board exam.