-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $216,000 o halos P11-milyon ang jersey na isinuot at may pirma ni Michael Jordan bilang bahagi ng tinaguriang 1992 Olympic “Dream Team”.

Ayon sa memorabilia company na Robert Edwards Auctions, ang winning bid ang ikalawa sa pinakamalaking halaga para sa isang Jordan jersey, sunod sa $274,000 na ibinayad para sa kanyang 1984 Olympic singlet.

Isinulat ni Jordan sa bahagi ng kanang dibdib ng white mesh jersey ang “Best Wishes/Michael Jordan.”

Unang nabili ang jersey sa halagang $17,500 noong Setyembre 1992 sa isang gala charity auction.

Matatandaang kasama ni Jordan sa 992 US men’s Olympic basketball team na nagwagi ng gintong medalya sina Hall of Famers Magic Johnson, Larry Bird, Scottie Pippen, Karl Malone, Patrick Ewing, Charles Barkley, Clyde Drexler, John Stockton, David Robinson at Chris Mullin.

“Michael Jordan is arguably the most iconic athlete of all-time, winning six NBA titles and two Olympic Gold medals,” saad ni Robert Edward Auctions President Brian Dwyer sa isang pahayag.

“Collectors relished a rare opportunity to own Jordan’s jersey from the 1992 Dream Team — the greatest basketball team ever assembled.”