-- Advertisements --

Binawi ng US actress na si Drew Barrymore ang desisyon nitong ibalik nito ang kaniyang talk show.

Ito ay matapos na umani siya ng batikos sa inilabas niyang video noong nakaraang linggo na ibabalik niya ang nasabing talkshow kahit walang tulong ang mga writers ng US.

Sa kaniyang social media na ibabalik na lamang niya ang kaniyang show kapag natapos na ang nagaganap na kilos protesta ng Writers Guild of America (WGA) na nagsimula pa noong Mayo.

Dagdag pa nito na napakinggan na niya ang dain ng lahat kaya nagdesisyon ulit ito na pansamantalang itigil ang nasabing paggawa ng show.

-- Advertisement --

Magugunitang mula ng ilabas ng 48-anyos na actress ang video niyo na itutuloy niya ang paggawa ng show kahit may strike ay binatikos ito ng kapwa celebrities at miyembro ng WGA.