CEBU – Dalawa pang dating national government officials ang sumali sa body na inatasang gayahin ang best practices ng Singapore sa Queen City of the South.
Ipinakilala ni Cebu City Mayor Michael Rama noong Lunes, Setyembre 19 sina dating Sen Franklin Drilon at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio ‘Babes’ Singson bilang pinakabagong miyembro ng Advisory Council ng lungsod.
Inaasahang tutulungan din nina Drilon at Singson ang Cebu City sa pagsisikap nitong mabawi ang mga easement zone, partikular sa pitong pangunahing ilog ng lungsod, at pagbutihin ang mga proyekto sa pagkontrol sa baha.
Ang Advisory Council, bukod sa iba pang mga layunin, ay binuo bilang bahagi ng mga layunin ng administrasyong Rama na makamit ang isang ‘Singapore-like Cebu City’.
Nabatid na mula pa noong 2017 hanggang 2022 ang pinakahuling stint ni Drilon sa Senado kung saan umupo siya bilang Senate Minority Leader habang si Singson ay Kalihim ng DPWH sa ilalim ng administrasyon ng yumaong Pangulong Benigno Aquino III.
Sa isang talumpati, nagpahayag ng pasasalamat si Drilon sa alkalde at iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod sa pagiging bahagi niya ng Advisory Council.
Una na ngang naging bahagi ng Cebu City’s Advisory Council ang iba pang ex-national government officials na sina dating Environment and Natural Resources Sec. Roy Cimatu at dating PNP chief Debold Sinas.