-- Advertisements --
IMAGE © Senate of the Philippines | Minority leader Franklin Drilon

Pinapurihan ng lider ng minorya sa Senado ang pangako ng China na tatalima sa batas ng Pilipinas ang kanilang mga manggagawa na naririto sa bansa.

Ito’y matapos tiyakin ni Ambassador Zhao Jinhua sa Malacanang na hindi kukunsintihin ng China ang ano mang iligal na aktibidad ng kanyang mga kababayan na nagta-trabaho rito.

Bilang tugon, sinang-ayunan ni Drilon ang apela ni Zhao na dapat tratuhin ng patas ang foreign workers dito sa Pilipinas.

“Foreign nationals working in the Philippines, whether from China or elsewhere, are expected to follow our laws, just as our OFWs follow the rules of the country where they work,” ani Drilon.

Kamakailan nang ipanukala ng Department of Finance ang pagbuo sa isang inter-agency body na tutukoy sa bilang ng mga dayuhang nagta-trabaho sa bansa.

“In order to ensure that they possess a valid alien employment permit and pay income taxes as required by our laws.”

Kung maaalala, ilang beses ng dininig sa Kamara at Senado ang issue tungkol sa biglang lobo ng populasyon ng Chinese workers sa Pilipinas.