-- Advertisements --
Ikinalungkot ni Senate minority leader Franklin Drilon na tina-target umano ng ilang mga bagong halal na senador ang mga committee na hawak ng mga kapwa niyang nasa oposisyon.
Ayon kay Drilon, ang mga senador na nasa opposition ay may karapatan sa tinatawag na equity of the incumbent rule.
Ibig sabihin aniya nito na pinapayagan ang mga incumbent senators na tumangging ipaubaya ang kanilang komite.
Reaksyon ito ni Drilon sa lumabas na balita na target daw ng mga bagong senador na sina Imee Marcos at Pia Cayetano ang committee na kasalukuyang hinahawakan nina Senators Risa Hontiveros at Leila De Lima.