-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinusulong ni Senate Minority leader Franklin Drilon ang imbestigasyon sa umano’y “overpricing” sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test package rates ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Sen. Drilon, sinabi nito na overpriced ang P8,150 na binabayaran ng ahensya para sa COVID-19 test.

Sa katunayan aniya, nang pinuna ng Senado ang PhilHealth sa nasabing isyu, kaagad namang ibinaba ng ahensya sa P4,150 ang kanilang package rate.

Ngunit hindi pa rin kumbinsido si Sen. Drilon dahil mas mataas parin ito kung ihahambing sa babayaran sa Philippine Red Cross na nasa P3,500 lamang.

Dagdag pa ng mambabatas, mahaharap sa kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act ang nasa likod ng umano’y overpricing ng PhilHealth sa COVID-19 tests.