Ginulat ngayon ang ilang mga senador sa biglaang ipinatupad na reorganisasyon upang tanggalin sa kanilang mahahalagang chairmanships ang mga miyembro mula sa Liberal Party (LP).
Pangunahin sa tinanggal bilang Senate Pro-Tempore ay si Sen. Frank Drilon matapos na magmosyon si Sen. Manny Pacquiao na malapit na kaalyado sa administrasyon.
Agad namang tumayo si Drilon at hindi na siya komontra at nag-second the motion.
Ang iba pang inalisan ng chairmanship ay ang LP president na si Sen. Francis Pangilinan at Sen. Bam Aquino.
Ang dagliang rigodon ay nangyari ilang araw matapos na inaresto si Sen. Leila de Lima at ang pagsama ng nabanggit na LP senators sa kilos portesta nitong nakalipas na Sabado sa People Power Monument nitong Pebrero 25, na dinaluhan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ipinalit naman kay Drilon ay si Sen. Ralph Recto na dating minority leader.
Sa nasabing reorganisasyon inihalal si Sen. Cynthia Villar mula sa Nacionalista Party (NP) upang hawakan ang Senate Committe on Agriculture and Food mula kay Pangilinan.
Ang independent senator na si Francis Escudero ay papalitan si Sen. Aquino sa Education committee.
Samantalang si Sen. JV Ejercito ang papalit kay Sen. Risa Hontiveros sa Health and Demography committee.
Sumunod namang pangyayari ay nagdeklara kaagad si Hontiveros na aanib na rin sa oposisyon o minorya.
Pumanig na rin sina Drilon, Aquino, Pangilinan sa oposisyon kung saan ang orihinal na miyembro ay sina Sen. Antonio Trillanes at Recto.
Si De Lima ay tiyak na rin daw sasama pero aantyayin muna ni Senate President Koko Pimentel ang pormal na komunikasyon nito.