Sisimulan ngayong araw ng Manila City Government ang pagsasagawa ng booster shots para sa mga may-ari ng four-wheel vehicles.
Ayon sa Manila City Government, na kanilang inayos ang Luneta para doon isagawa ang booster shots.
Isinagawa ng mga LGU Manila ang inspections sa lugar para matiyak na ligtas ang nasabing gagawing pagtuturok ng booster.
Limitado lamang ang nasabing booster sa 300 na mga sasakyan sa loob ng isang araw.
Ito ay magiging first-come-first serve basis at limitado lamang sa limang katao lamang sa loob ng isang sasakyan.
Lahat aniya ng mga four-wheeled vehicles gaya ng taxi, private cars,
Bukas aniya ito sa publiko kahit na yung mga hindi residente ng lungsod.
Nauna rito ay patuloy na isinasagawa ang booster shots sa mga riders ng mga motorsiklo sa Kartilya ng Katipunan kung saan mahigit 5,000 delivery motorcycles at bicycle riders ang nakatanggap na ng booster shots.