-- Advertisements --
Itatayo sa susunod na linggo ang isang drive-through vaccination sites para sa mga public utility drivers susunod na linggo.
Sinabi ni Vice President Leni Robredo na prioridad dito ang mga tricycle driver ng lungsod ng Maynila.
Maari rin itong buksan sa mga drivers ng mga transport network vehicle services.
Target ito na buksan sa Hunyo 20 kapag dumating ang bakuna sa Huwebes Hunyo 17.
Kailangan lamang aniya na makipag-ugnayan ang mga interesadong tricycle drivers at mga Grab drivers sa Manila City local government unit.
Isa itong drvie-thru kaya hindi na kailangang bumaba pa ang mga drivers.