CAUAYAN CITY – Nakakulong na ang isang driver ng truck matapos mahuli sa aktong nagtutulak ng iligal na droga sa Sinsayon, Santiago City.
Ang pinaghihinalaan ay si John Paul Navales, 32, residente rin ng nasabing barangay.
Sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga kasapi ng City Drug Enforcement Unit, Santiago City Police Office, Regional Drug Enforcement Unit, PDEA Region 2, Police Regional Office 2 at Presinto Dos ay nadakip ang pinaghihinalaan.
Nahuli sa aktong pagtutulak ng hinihinalang shabu ang pinaghihinalaan matapos bentahan ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P5,000 na buy bust money.
Dinala na ang pinaghihinalaan sa Presinto Dos at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa kanya.
Napag-alaman naman na kabilang ang suspek sa Recalibrated Priority Database at nasa tegional Top 10 target list.
Aminado naman ang suspek na gumagamit at nagtutulak siya ng iligal na droga.