-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Desididong magsampa ng kaso ang pamilya ng mga biktima na nasugatan sa pagkatumba ng kanilang sinakyang elf truck sa Buduan, San Pablo, Cauayan City, Isabela.

Ang driver ng Isuzu elf truck ay kinilalang si German Tagata, 28; at ang may-ari naman ay si Esmenia Agbayani, 57, negosyante, kapwa residente ng Linglingay, sa naabing lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Alberto Tejada, ama ng isa sa mga biktimang si Tina Joy Tejada na na-comatose, na magsasampa sila ng kaso.

Masakit umano para sa kanya ang pangyayari lalot pangarap sana ng kanyang anak na maging guro.

Ayon pa kay Ginoong Tejada, hindi sana maaksidente ang mga sakay ng naturang elf truck kung bumaba lang sila bago umakyat ang kanilang sinasakyan.

Bukod sa kanya ay magsasampa rin umano ng kaso ang iba pang pamilya ng mahigit 28 katao na nasugatan sa aksidente.