LA UNION – Arestado ang mga sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Concepcion, Rosario, La Union ang isang bus driver at conductor nito, matapos maaktuhang nagtutulak ng iligal na droga.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Marlon Artajos, 39, may asawa, bus driver, residente ng Barangay Santiago Norte, Caba, La Union; at Louie Juloya, 25-anyos, binata bus conductor.
Isinagawa ng PDEA-Region 1 at Rosario Police Station ang operasyon pasado alas-3:00 kahapon.
Nakumpiska sa kina Artajos at Juloya ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet ng umano’y shabu, isang piraso ng P500.00 marked money, at dalawang cellphone.
Ang nakuhang mga iligal na droga ay may bigat na 0.087 grams na nagkakahalaga ng P1,000.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang naarestong dalawang suspek.