-- Advertisements --

Sumuko na sa kapulisan ang driver na nakasagasa sa ama ng rapper na si Nicki Mnaj.

Kinilala ang driver na si Charles Polevich na siyang nakasagasa sa biktimang si Robert Maraj.

Sinampahan na ito ng kasong tampering or suppressing physical evidence at leaving scene of incident involving death of a person.

Magugunitang minamaneho ni Polevich ang kaniyang puting Volvo ng masagasaan ang biktima sa intersection ng Roslyn R. at Raff Ave sa Mineola.

Matapos ang insidente ay tumakas ito.

Itinakda naman sa $250,000 ang piyansa nito para sa pansamantalang paglaya niay.