-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbigti-patay ang isang padyak driver matapos iwan ng kanyang asawa sa Adela drainage, Pinikitan, Camaman-an sa lungsod.

Kinilala ang biktima na si Jeffry Cognito, 27, residente sa nabanggit na lugar.

Sinabi ni Lt. Tawidee Galleon, OIC commander ng Cogon Police Station na lumalabas sa kanilang imbestigasyon na umalis ang asawa ng biktima sa kanilang bahay kasama ang dalawang anak nito at hindi na bumalik.

Dahil dito, naglasing umano ang biktima hangga’t nakita na lamang ito na nakahambitin na sa kanyang kwarto habang nakatali ang leeg at wala ng buhay.

Kumbisido naman ang pamilya ng biktima na walang foul play sa nangyari.