ROXAS CITY – Nakapagpyansa ang driver ng crane truck na itinuturong dahilan ng pagka-aksidente ng express train na bumibiyahe mula Taipei – Taitung county sa Taiwan kung saan umabot na sa 51 ang namatay habang 186 ang sugatan sa halos 500 total passengers na sakay ng nasabing train.
Sa interview ng Bombo Radyo Roxas kay Dr. Reynand Dumala-on, .nagtuturo ng Physics sa The American School of Hsinchu, Taiwan, matapos maaresto ang crane truck driver ay kaagad nagbayad ng 500,000 New Taiwan Dollar ang may-ari ng construction kaya kaagad na pinalaya ang driver.
Nagsumite rin ng resignation letter ang Taiwan Transport minister, dahil isa rin ito sa mga sinisisi ng pamilya ng mga biktima ngunit hindi ito tinanggap ni Taiwan President Tsai lng-wen.
Ayon kay Dumala-on lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na hindi naka-hand brake ang crane truck dahil nakalimutan diumano ng driver kaya dumiretso ito pababa hanggang nabangga ang paparating na train na sumiksik sa gilid ng tunnel.
Napag-alaman na puno ng mga pasahero ang Taroko Express train at karamihan ay naghahabol sa long weekend sa Taiwan.
Inaalam pa sa ngayon ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) kung may pinoy na nakasakay sa nasabing train, dahil batay sa impormnasyon na nakuha ng tanggapan na dalawang american at french nationals pa lamang ang kumpirmadong kabilang sa mga namatay.