-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Naka hospital arrest ngayon ang driver ng pampasaherong jeep na sangkot sa aksidente sa Barangay San Rafael, Castilla, Sorsogon na nagresulta sa pagkamatay ng 6 na indibidwal at 13 sugatan.

Ayon kay Police Major Marmay Fartingca, hepe ng Castilla Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, lumalabas sa imbestigasyon na iniwasan ng driver ng jeep ang mga lubak sa kalsada kaya kinain nito ang lane ng kasalubong na truck rason upang mabangga ito.

Paliwanag ng hepe na pagdating ng kapulisan sa lugar ay hindi na naabutan ang driver ng jeep na nabatid na sumakay na ng tricycle upang ipagamot ang sarili.

Nabatid na madaraming mga guro at estudyante na sakay ang pampasaherong jeep matapos magkansela ng pasok sa naturang bayan dahil sa masamang lagay ng panahon.

Maaalala na kabilang sa mga nasawi sa insidente ang dalawang guro at isang colloge student.

Ayon kay Fartingca, kabilang sa mga isasampang kaso sa jeepney driver ay reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injury at damage to property.

Samantala, bumuhos naman ngayon ang pakikiramay para sa naulilang pamilya ng mga biktima.