-- Advertisements --

Sumuko na sa Land Transportation Office (LTO) ang driver ng luxury sports utility vehicle (SUV) na may protocol plate ara sa senator na nag-viral dahil sa pagdaan nito sa EDSA busway nitong araw ng Linggo.

Humingi ng paumanhin at pagpapatawad sa publiko ang driver na kinilalang si Angelito Edpan dahil sa ginawa nito.

Paglilinaw niya na wala itong balak na manakit ng enforcer na pumara sa kaniya.

Inamin din nito na ang nasabing plaka ay peke at ito ay pag-aari ng Orient Pacific Corporation.

Humingi rin ng paumanhin ang kumpanya at sila ay magsasagawa ng imbestigasyon kung paano nalagyan ng protocol plate ang isa nilang sasakyan.

Nakatakdang pagmultahan ito ng P5,000 dahil sa paggamit ng protocol plate, P2,000 para sa reckless driving at P1,000 dahil sa bigo itong ilagay ang plaka at hindi pagsunod sa batas trapiko.