Labis na ikinalungkot ng mga residente sa England matapos matagpuan ng mga otoridad ang 39 na bangkay sa loob ng isang truck,
Base sa mga otoridad, galing umano ang container sa Belgian port city ng Zeebrugge bago ito dalhin ng truck sa Waterglade Industrial Park.
Wala pa ring impormasyon ang mga otoridad sa pagkakakilanlan ng mga biktima ngunit inaresto naman ng mga ito ang 25-anyos na truck driver mula sa Northern Ireland dahil sa suspetya nila na ito ang utak sa likod ng malagim na krimen.
Kinilala ni Paul Berry, local councilor ng Armagh sa Northern Ireland, ang di-umano’y suspek na si Morris Robinson.
Ayon naman kay Essex Police Deputy Chief Constable Pippa Mills, prayoridad muna nila ngayon ang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga biktima at kung saan sila nanggaling. Naglunsad din ang mga otoridad ng helpline para sa mga kapamilya ng mga biktima na nais kumpirmahin ang identification ng mga ito.
Ang nasabing industrial estate kung saan natagpuan ang truck ay kilala dahil sa logistics at courier companies.
Bukas naman ang tanggapan ng Britsih Red Cross upang tumulong sa identification process at magbigay suporta na rin sa pamilya ng mga biktima.
“I can’t overstate how big a tragedy it is that 39 people felt like they had no better option than to get in the back of this truck and obviously it’s ended in an absolute tragedy,” saad ni Matthew Carter, emergency communications delegate ng British Red Cross.
Dagdag pa ni Carter, handa rin ang naturang charity na magbigay ng tulong sa forensic team na magsasagawa ng imbestigasyon.